PABASA
2012
Brgy Putlod, Jaen, Nueva Ecija
Ginoo/Ginang:__________________
Magandang araw po!
Taon taon ay ginugunita natin ang
Mahal na Araw na kung saan ang bawat isa ay nagtitipon at nagsasama-sama upang
pag nilayan at gunitain ang pagsasakripisyo at paghihirap ng ating mahal na Poong
Hesus, upang tubusin ang mga kasalanang nagawa ng sanlibutan at isinasagawa po
natin ang pag-basa ng Mahal na Pasyon na gaganapin sa ika-2 ng Abril (Lunes
Santo) hanggang ika 4 ng Abril (Miyerkules Santo) sa taong kasalukuyan
alang-alang sa Mahal na Patrong Sta Cruz.
Kami po na bumubuo ng pamunuan ng
kabataan sa barangay Putlod ng Purok 1 at 2 ay malugod kayong napiling lapitan
upang humingi ng anumang tulong para sa pag sasagawa at pagsasakatuparan ng
banal at dakilang araw na ito.
Taos puso po naming ipagpapasalamat
ang kabutihan at busilak ninyong puso, kaya’t ngayon pa lamang po, kami na
bumubuo at nangangasiwa ng ating PABASA 2012 ay nagpapasalamat sa inyong
tulong.
Pagpalain nawa kayo ng ating Poong
Maykapal. Maraming salamat po.
Lubos
na gumagalang:
Pangulo ng Kabataan
Mark Louie Malandac Charis Pillarina
Argel Pillarina Marjorie
Paynor
Pangulo ng Katandaan
Dante Paynor
Punong Barangay
Antonina C. Pillarina
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento